Sabado, Mayo 14, 2011

korean hits, patok sa panlasa ko, sayo?

Uso na ang mga korean movies na adapted ng Pilipinas, hay! Tandang tanda ko pa ang Meteor Garden kung saan nag umpisa ang lahat! Alam kong nakaka-relate ka at sigurado akong tumatakbo ka rin kapag alas singko na ng hapon para lang maabutan ang korean movie na ito..

Sa panahon ngayon naglipana na ang iba’t ibang koreanovelas at talaga namang patok ito sa mga pinoy. Alam niyo ba na hinahating gabi ako sa panonood lamang nang Cinderelas Sisters? At alam niyo rin bang halos maging loka-loka ako sa kakahanap ng crazy little things called love na teenstory? Hay.. nako naimpluwensiyahan na talaga ako ng mga korean hits. Hindi lamang ako, pagdating ko ng school maging mga kaklase ko ganun din ang pinag-uusapan. Ang katatapos lang na korean movie na My Princess ay talagang inaabangan ko at  ng mabalitaan kong mayroong full episode ang kaklase ko ay talagang nag pa copy ako sa USB.

Gusto niyo bang malaman kung gaano ako ka adik doon? Isa akong working student ng school at imbes na tapusin ko ang pinapagawa sa akin, ang tinapos ko ay ang My Princess, nakatatawa ano? Masasabi kong magnanakaw ako, OO, tama, iyon nga ang dapat na itawag sa akin sapagkat ninanakaw ko ang oras na dapat ay ginagawa ko sa trabaho. Ang kuya ko, adik din doon pagdating niya ng bahay galing sa trabaho takbo agad sa TV halos mabaliw na nga siya doon eh... kinukulit ba naman akong copyhan din siya.. hay nako! Bakit ba mas nakakarelate ang tao sa Korean kaysa sa mga pilipino movies? Isang rason ay mas makatotohanan ang pagganap, natural ang arte, simple, hindi brutal, at unexpected ang nangyayari hindi katulad ng nasa Filipino movies na alam mo na ang mangyayari, pauli-ulit ang eksena at halos lahat ay copy din sa mga foriegn countries.

Pero, dahil ba patok ang Korean movies ay hindi ka na pinoy? O di kaya ay masasabi na bang Koreana at Koreano ka na? Nahuhumaling man tayo sa dayuhang palabas na ito, ngunit kinakailangan pa rin nating tandaan na tayo ay isa pa ring pilipino at huwag magpadala sa kung ano ang nakikita, at gusto nating panoorin.

ukay-ukaY HIt na hit!!

Mainit, masakit sa ilong na amoy, masikip at nagsisiksikan! Pero kahit ganun, bakit marami pa ring nagdadagsaan sa ukay-ukay? Isa akong ukay suki kung ako nga lamang ang pagbibigyan at kung hindi rin lang ako kapos, halos araw-araw siguro akong nasa ukay-ukay. sa una simpleng patingin-tingin hanggang sa hindi mo alintanang nawiwili ka na sa pagbaluskay, paghukay ng mga nakatambak na damit na nasa harapan mo. Ang ukay-ukay ay parang sakit inuunti-unti ka, para rin itong nakahahawang sakit habang nanonood ka nakakahawa ang mga taong naghahalungkat doon.

Parang isang treasure hunting din ang ukay-ukay, kinakailangan mong magbungkal,magtiyaga para makakita ng mana,alam niyo bang may motto din ako pagdating sa ukay, hinahalintulad ko ito sa book sale basta’t marunong kalang magtiyaga makakahanap ka rin sa bandang huli ng maganda. sabi nga ni mama at ng mga kakilala ko ay adik daw ako siguro nga kasi minsan ng ako at ang bestfriend kong si Argie ay naglibot-libot, napadaan kami sa isang ukay-ukay station, hinatak ko siya para tumingin lang noong una, pero ng katagalan na eh, hayun at marami na akong napiling bilhin, pinagalitan niya ako, sinabi niyang wala daw ako sa lugar lagi ko kasing sinasabi sa kanyang mas mura ang ukay pero ang tugon niya alam mo ba? Sabi niya ‚‘‘alam mo bang mas malaki pa ang ginagastos mo dito kaysa sa mall?‘‘ parang kidlat na dumaan sa akin ang mga sinabi niya, natigilan ako, at napaisip bigla, napagtanto kong tama nga naman ang bestfriend ko, kung titignan ang mga pinili ko sa ukay kaysa nasa mall mas mahal pa nga ito.

Minsan nabubulagan tayo ng akala nating mura dahil nadadala tayo sa ating sariling persipsiyon ng mga bagay-bagay, pero ang hindi natin alam mas mahal pa ang nagugugol natin doon. Kung kaya’t kadalasan nagiging biktima tayo ng sarili nating akala, sabi nga nila sa isang sikat na kanta, marami ang namamatay sa maling akala. Oo, mura nga ang ukay basta’t nasa tamang lugar lamang.

Miyerkules, Mayo 11, 2011

Facebook!!


Cumputer! Kapag naririnig mo ang salitang ito ano ba ang naiisip mo? Panahon na ng mga cumputer at iba pang teknolohiya, kaya nga dahil uso at in demand ang mga ito ay naglipana na rin ang mga net café sa labasan. At hindi na rin ako magtataka kung bakit laging puno ang mga station, isa ring dahilan iyon kung bakit ako nagagalit minsan kasi hindi ako makapag net!

Facebook ang pinakakilala na social networking sites sa ngayon, at huwag mong sasabihin sa akin na wala kang facebook ha, kasi kahit bata mayroon nito, natatandaan ko nga na ang pamangkin ko ay nagpapagawa sa akin ng facebook account, at alam mo ba kung anong naging rason niya ng tinanong ko siya kung bakit nagpapagawa siya? Ganito ang naging tugon niya, “eh.. kasi tita lahat ng kaibigan ko meron, ang pangit naman na wala ako, yun na ang uso ngayon eh..” natulala ako ng sabihin niya iyon, ang pamangkin ko ay sampung taong gulang lamang at gusto ng makisunod sa uso? Talaga ngang malakas ang hatak ng cumputer, hindi mo talaga mapagkakailang 21st century na, kung saan panahon na ng teknolohiya.

Pero alam niyo ba na dahil sa computer ay madalas na hindi na kami nagkakasabay kumain ng pamilya ko? OO, totoo, ang dating puno naming hapagkainan, ngayon ay tatatlo,paisa-isa na ang kumakain dahil nga nasa net cafe, numero uno na akong hindi nakakasabay sa kanila kasi kahit walang importanteng gagawin sa net nagpapaalam ako sa magulang ko para mabuksan lang ang facebook ko, makapag chika-chika sa mga on-line, makapag comment sa mga post, at wala lang, madalas nakakauwi ako ng pasado alas onse kung saan ang mga tao sa bahay ay tulog na. Isang beses nga talagang inAbangan ako ni mama akala ko tulog na sila kasi patay na ang ilaw, at pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang isang tanong. “ alam mo ba kung anong oras na, ano bang pinagkakaabalahan mo sa net Cristy Lyn?” kinabahan ako, siyempre natameme ako sa tanong. Alam kong pagagalitan ako kasi nga gabi na.

Oo nga at malaki ang naitutulong ng cumputer ngunit malaki rin ang nagiging epekto nito, alam niyo ba na sa lahat ng ginugol kong oras sa pagbukas ng facebook ay pawang wala akong napala? Nakapag chat nga ako sa mga kaibigan ko pero hindi ko alintana na kapag lalo akong tumatagal sa cumputer ay nasisira rin ang aking eyesight, maging sa utak ng tao. Dahil sa radiation na mula sa cumputer kadalasan ang mga taong laging nakaharap dito ay nagkakaroon ng kanser at dahilan ng kanilang pagkabulag.

Ayos lang ang makisabay sa uso, pero kainakailangan nating tandaan na ang subrang paggamit ng mga ito ay nakakadulot ng masama sa atin. Hindi basta-basta nakikita ang epekto nito, inuunti-unti tayo na para bang sakit na kanser akala mo maayos kapa ang hindi mo alam malala na. Ganun din ang pagkahumaling natin sa mga networking sites gaya ng facebook, sa una wala lang, pero katagalan nagiging sentro na ito ng araw-araw mong gawain, pinag-uukulan mo na ng panahon at pinagkakagastahan, kung baga sa kanser stage 4 kana! Kaya mag ingat ka at baka atakehin ka!

pampaganda ko'y gamit mo rin ba?



Sinabi ko kamakailan na ang isa sa pop culture ko ay ang cellphone. At talagang isa lang naman talaga iyon sa napakarami, at alam niyo ba ang iba pa? try niyong hulaan…. Nasa beauty products ito, kilala ang brand nila, at sa mukha ginagamit.

Hahaha…. Tama! Ponds facial wash nga, alam kong hindi lang ako nag iisa. Karaniwan na sa mga babae ang beauty concious, label na nga siguro sa amin ang pagiging maarte. Wala pa akong kilala na babaeng hindi maarte kahit nga binabae ay mas maarte pa sa aming mga babae.

Dati rati naman wala sa akin itong ponds, makahilamos lang at maka sabon ayos na. pero nga dahil sa kagustuhang matulad sa mga commercial models na umiindurso nito, ayan nga at nagpatinaod ako sa aking kagustuhan, alam niyo ba na ang lahat ata ng klase ng ponds sinubukan ko? Iyong pampaputi, pantanggal ng pimple, pantanggal ng oil, pang rosy cheeks at iba pa. Bakit ba ang tao hindi nakokontento? Iyan ang madalas kong naitatanong sa aking sarili sa tuwing para akong loka-loka kapag walang perang pambili ng ponds, nakakatawa ano? Bakit pa kasi nauso ang ponds eh! Ang ilan nga kasali na sa budget ang mga beauty products maging ako, nakasali rin sa budget ko, pero minsan kinakailangan kong magtiis at magtipid kinakailangang unahin ko iyong mas mahalaga kaysa pampaganda, isa lamang akong tipikal na estudyante at walang sariling kita kaya kung minsan wala na lang muna.

         Ayon nga kay Tolentino ang may kakayahan lamang na makisabay sa pop culture ay ang mga taong may kakayahang magbayad at bumili nito, kaya nga dahil panahon na ng mga uso-uso, kapag walang kang pera ang iba naghahanap talaga kasi nga nakasanayan na nila. Ang iba parang extension na ng buhay nila ito sapagkat kung wala ang mga bagay na nakasanay nila para bagang may kulang sa kanila. Ayos lang makisabay hanggat alam mo kung saan lang ang limitasyon mo at kung hanggang saan ka lang dapat, kasi kapag sumubra na, iba na ang epekto nito sa atin!


Martes, Mayo 10, 2011

adik ka rin ba?



Alam mo ba na ang aking pop culture ay nakakahawa? Para itong isang sakit, epidemyang kumakalat at nakahahawa, parang ahas na gumagapang at nananakmal ng hindi mo alintana. Maaaring sabihin mong hindi ka kabilang doon. Pero sige ka, ang hindi mo alam isa kana sa miyembro ng mga adik! Hindi ko ibig sabihin na kapag sinabing adik ay isa ka na sa mga taong nag dudruga, ang ADIK na tinatawag ko sa pop culture ay iyong mga taong ginagawa o nakasanayan ng gawin ang bagay na wala sa tamang lugar at rason.

          Isa nga sa aking pop culture na sigurado akong alam mo ay ang cellphone! Hay naku! ginawa ang mga bagay na yaon upang gamitin natin at hindi upang tayo ang magpaggamit sa kanila. Pero, taliwas yata ang nangyayari sa akin o maging sa iba rin, kung hindi ninyo naitatanong ang cellphone ay may kakayahang mag manipula ng buhay ng tao na hindi batid nino man. Para itong atake sa puso o di kaya ay stroke, hindi mu alam unti-unti ka ng pinapatay! Kung hidi mo pa rin lubos na maunawaan kung bakit nagiging adik ang isang tao sa cellphone hayaan ninyong maglahad ako ng ilang halimbawa ayon sa aking mga karanasan.

          Alam nating ang cellphone ay gamit sa kumunikasyon, pero ang iba nga nakalimutan ata ito. OO, aaminin ko isa ako sa nakalimot, hindi man halata sa pangangatawan ko dahil medyo may katabaan ako pero mas pinag kakagastahan ko pa ang load kaysa pang kain ko, madalas nga ay hindi na ako kumakain upang may pang load, at alam niyo ba kung bakit ako nagpaload? Para makapag pa unli at makapag text ng magdamagan sa mga kaibigan, at siyempre sa mga textmates. Pero sa lahat ng iyon ano ba ang nakuha ko? OO, nasiyahan ako pero may naidulot bang mabuti ang hindi ko pagkain? Ang hindi ko pagtulog? WALA! Sa lahat ng iyon pawang Sakit ang nakuha ko. ULCER, at STRESS! Iyon ang napala ko.

          At alam niyo ba na parang paranoid na ako minsan dahil nga nakasanayan ko nang laging tumutunog ang cellphone ko? Ayon kahit walang text panay ang silip ko sa mobile phone ko! Hay buhay, o kayo hindi ba nakaranas ng mga sinabi ko? Aminin niyo man o hindi, certified member kayo ng cellphone adict. Ang iba nga naging dahilan ito ng maaga nilang pagkamatay, dahil sa paghahanap ng textmate at kahit hindi lubusang kakilala ay nakipag eyeball, ang hindi nila alam naghihintay na si kamatayan sa dulo. Pero hindi naman lahat ganun ang kinahantungan mayroon namang happy ending, dahil sa cellphone nakilala ng iba ang prince at princess nila.

          Bakit ko nga ba sinasabi ang mga ito? Hidi dahil sa gusto ko lamang sabihin kundi nais ko ring ibahagi sa inyo ang ilan sa aking mga karanasan, nawa’y may mapulot kayo upang matimbang niyo ang mga bagay-bagay sa huli kayo pa rin naman ang magpapasya walang masama hanggat alam mong ito’y naaayon sa tama!

Sabado, Mayo 7, 2011

humanda ka! pop culture ko'y nakAhahawa!

Ang mundo ng kulturang popular ay mundong politikal. Mayroong nakikinaban g sa mga itinuturong kaisipan at gawi. Ano ang sigalot na dulot ng pagbagsak ng mga eroplano at sunog sa Ozone? Bakit bigla itong nakalimutan? Paano tayo lumikha ng popular na alaala sa kultura ng droga? Bakit gusto nating pumuti? Rekomendadong basahin ang seryeng ito para sa mga estudyante, guro, iskolar, at afisyonado ng mga larangang kulturang popular, mass communication, sosyolohiya, pilosopiya, heograpiya, siyensyang panlipunan, wika at panitikang Filipino, maging sa mga estudyante ng high school.